Si
Daniel Bernoulli FRS (;
Suwisong ; 8 Pebrero 1700 – 17 Marso 1782) ay isang
Suwisong
matematiko at
pisiko at isa sa mga naging nangungunang matematiko mula sa mag-anak na Bernoulli. Partikular siyang naaalala dahil sa kaniyang paggamit o paglalapat ng matematika sa
mekanika, natatangi na sa mekanika ng pluwido, at dahil sa kaniyang mapagpanimulang gawain sa
probabilidad at
estadistika. Ang gawain ni Bernoulli ay pinag-aaralan pa rin nang malawakan sa maraming mga paaralan ng agham sa buong mundo.