Ang
bibingka (
Ingles:
rice cake) ay isang uri ng
mamon na gawa mula sa malagkit na bigas o
galapong at gatas ng buko. Isa rin itong pagkaing meryenda sa Goa,
Indya - ang
bebinca - na ang ginagamit na mga sangkap ay harina, langis na
ghee,
asukal, at gata, at hindi nawawala sa anumang handaang katulad ng pagsilang,
kasal,
Pasko o
Pasko ng Pagkabuhay. Niluluto ito sa isang hurnuhang yari sa putik, pinaiinitan ng mainit na
uling na nakapatong sa ibabaw ng lutuin. Iniihaw ito ng patung-patong. Karaniwan na ang may 16 na mga patong. Bilang tanyag na pagkain sa
Pilipinas, karaniwan naman itong ginagamitan ng galapong, at ang paghuhurno ay katulad ng sa pagluluto ng
bebinca ng Indya, ngunit bago ihain ay pinapahiran muna ito ng mantekilya o
margarina (mantekilyang gawa sa niyog) at binubudburan ng asukal. Isinisilbi ito na may kasamang ginadgad na niyog.