Ang
Teorya ng Big Bang ay isang
siyentipikong teorya na sa kasalukuyan ay ang nananaig na modelong kosmolohiya sa pamayanang siyentipiko ng sinaunang pagkakabuo o pinagmulan ng kasalukuyang
uniberso. Ang teoriyang ito ay nagsasaad na ang
uniberso ay nagmula sa isang masikip at napakainit na estado 13.7 bilyong taon na ang nakalilipas at lumalawak na naging sanhi ng paglamig ng uniberso. Ang paglawak na ito ng uniberso ay patuloy na nangyayari hanggang sa kasalukuyan at ito'y papabilis ng papabilis ayon sa mga kosmolohista. Ang teoriyang ito ay umaayon sa mga obserbasyonal na ebidensiya at eksperimentong ginawa ng mga siyentipiko.