Sa larangan ng
kimika at ng
pisika, ang
bilang na atomiko o
bilang ng proton (Ingles:
atomic number o
proton number) ng isang
atomo ay ang bilang ng mga
proton na nasa loob ng isang atomo. Ang mga
elementong pangkimika ng
talahanayang peryodiko ay nakalista ayon sa pagkakasunud-sunod ng atomikong bilang. Ang mga atomo ay mayroon ding mga
elektron at mga
neutron. Ang bilang ng mga elektron at ng mga neutron ay hindi nagpapabago sa atomikong bilang ng isang elemento. Ang
timbang na atomiko (bigat na atomiko) ay hindi nagbabago ayon sa dami ng mga neutron na nasa loob ng nukleyus ng atom. Ang bilang ng mga elektron ay nakapagpapabago sa
karga ng atomo. Kapag ang bilang ng mga elektron ay hindi kapantay ng bilang ng mga proton, ang atomo ay tinatawag na isang
iono.