Ang
bilang na pangmasa o
bilang ng masa (sagisag:
A), na tinatawag ding
bilang ng masang pang-atomo,
bilang ng masang atomiko, o
bilang ng nukleon (Ingles:
mass number,
atomic mass number o
nucleon number) ay ang kabuoang bilang ng mga
proton at mga
neutron (na kapag magkasama ay tinatawag bilang mga nukleon) na nasa loob ng isang nukleyus na pang-atomo (nukleyong atomiko). Dahil sa ang mga proton at mga neutron ay kapwa mga baryon, bilang ng masang A ay kahalintulad ng bilang ng baryon na B katulad ng na ang nukleyus ay ang ng buong
atomo o
iono. Ang bilang ng masa ay magkakaiba para sa bawat isang naiibang
isotopo ng isang
elementong pangkimika. Hindi ito katulad ng
bilang na pang-atomo (bilang na atomiko) (
Z) na nagpapahiwatig ng bilang ng mga proton ng isang nukleyus, kung kaya't natatanging nagpapakilala ng isang elemento. Dahil dito, ang pagkakaiba o dipersensiya sa pagitan ng bilang ng masa at nga bilang ng atomo (bilang na pang-atomo) ay nagbibigay ng bilang ng mga neutron (
N) ayon sa ibinigay na nukleyus:
N=A-Z.