bilis ng liwanag


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Bilis ng liwanag
Ang bilis ng liwanag(speed of light) sa isang bakyum(vacumm) na may simbolong c ay isang pisikal na konstante na mahalaga sa maraming sakop ng pisika. Ang halaga nito ay 299,792,458 metro bawat segundo na isang pigura na eksakto dahil ang haba ng isang metro ay inilalarawan ng konstanteng ito at ng internasiyonal na batayan para sa oras. Ang bilis na ito ay matatantiyang 186,282 milya bawat segundo. Ayon sa Espesyal na teoriya ng relatibidad, ang bilis ng liwanag(c) ang pinakamataas na bilis kung saan ang lahat ng enerhiyamaterya, at iba bang pisikal na impormasyon sa uniberso ay maaaring maglakbay. Eto ang bilis ng lahat ng walang masang mga partikulo(massless particle) at mga kaugnay na field kabilang na ang radiasyong elektromagnetiko gaya ng liwanag(light) sa bakyum. Ito rin ang hinulaang bilis ng grabidad o mga along grabitasyonal. Ang mga gayong partikulo ay naglalakbay sa c kahit hindi isaalang alang ang galaw ng pinamulan(source o ang inersiyal na balangkas ng reperensiya(intertial frame of reference) ng isang nagmamasid. Sa Espesyal na teoriya ng relatibidad, ang c ang naguugnay ng espasyo-oras at ito ay makikita sa kilalang ekwasyon ng E = mc2.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.