Ang
biyolohiyang molekular,
biyolohiyang pangmolekula,
biyolohiyang pantipik, o
biyolohiyang pangmulatil ay ang pag-aaral ng
biyolohiya sa antas na
molekular. Nasasaklawan ng larangang ito ang ibang mga lugar ng biyolohiya at
kimika, partikular na ang
biyolohiya ng sihay,
henetika,
biyopisika, at
biyokimika. Pangunahing nakatuon ang biyolohiiyang molekular sa pag-unawa ng interaksyon sa pagitan ng samu't saring mga sistema ng isang
sihay, kasama ang interelasyon ng
DNA,
RNA at biyosintesis ng protina, at pagkatuto kung paano kinokontrol o tinatabanan ang ganitong mga interaksyon.