Ang
birhen o
dalagang wagas ay isang batang
babaeng wala pang asawa, sa tuwirang pakahulugan. Subalit maaari ding tumukoy ang
birhen sa isang babae o lalaking may husto nang edad subalit wala pang karanasan sa
pakikipagtalik o wala pa ring asawa. Kasingkahulugan din nito ang
dalaga,
donselya, at birgo, bagaman may kaugnayan ang huli sa larangan ng
astronomiya. Sa malawak na pakahulugan, tumuturing din ito sa anumang bagay, katulad ng pook, na hindi pa nagagalaw o nararating ng tao; o kaya sa isang tao na wala pang karanasan hinggil sa iba pang bagay, bukod sa paksang may kaugnayan lamang sa
sekswalidad. Kaugnay ng pananampalataya, madalas ding gamitin ang
birhen para tukuyin ang
Mahal na Birheng Maria, at mga Kristiyanong tao, katulad ng mga
madre na nanumpang panatilihin ang kanilang kawagasan ng katawan para sa mga layuning
relihiyoso. Sa
Bibliya, partikular na ang nasa
Aklat ni Isaias (Isaias 7:14), tumutukoy ang salitang
birhen sa katagang "maglalang ang birhen" sa isang kabataang babaeng wala pang asawa ngunit maaari nang mag-asawa sapagkat nasa tamang edad na. Sa kaso at
hulang ng ito, si
Mariang Ina ni Hesus ang birhen at si
Hesus ang siyang "isisilang ng birhen. Hindi ito tumutukoy sa isang "panganganak ng isang birhen" lamang kundi sa isang normal na sitwasyon may kaugnayan sa kaganapan ng pagpapakasal at pagsisilang ng sanggol pagkaraan.