Ang
Pagkalalaki o
birilidad (Ingles:
virility) ay ang anuman sa isang malawak na nasasakupan ng
maskulinidad, pagkabarako o pagiging bulog o kabulugan) ng isang
lalaki. Hindi ito magagamit sa mga
babae o sa negatibong mga katangian. Sinasabi ng
Oxford English Dictionary (
OED1) na ang pagiging
barakung-barako o
lalaking-lalaki (o kaya "parang lalaki") o kalibugan ay may "tanda ng lakas o puwersa". Ang pagkalalaki ay pangkaraniwang may kaugnayan sa katalaghayan, pagiging malakas, kasiglahan, pagiging matibay, pagiging mabisa, pagiging malusog, katatagan, at bikas ng katawan (pangangatawan), natatangi na ang kakayahang makagawa ng mga anak. Sa huling diwang ito, ang birilidad ay para sa kalalakihan, samantalang ang
pertilidad ay para sa kababaihan. Sinasabi pa rin ng Talahuluganang Ingles ng Oxford na ang
virile ay naging wala na sa panahon bilang pagtukoy sa isang
nubile (
nubilidad), o pagiging puwede nang mag-asawa ng babaeng nasa kaniyang
kabataan subalit nasa wasto nang edad - "isang dalagang maaari nang ikasal o hinog na para sa isang asawang lalaki, o
Virill."