Ang
bolpen (Ingles:
ball pen,
ballpen,
ballpoint pen; tinatawag ding
biro [bigkas: /bay-ro/ o /bi-ro/] sa Britaniko at Australyanong Ingles, na nagmula sa
imbentor nitong si László Bíró) ay isang makabagong uri ng panulat na may maliit na bolitas o munting bola sa dulo nito na gumaganap bilang tagapagkalat ng malapot na
tinta. Nakapaloob ang tinta sa isang mahaba at payat na sisidlan sa loob ng bolpen. Kapag nagsusulat ang isang tao sa pamamagitan nito, lumalabas ang tinta sa loob ng pandulong munting bolitas ng bolpen. Agad na natutuyo ang tinta kapag sumayad sa ibabaw ng
papel.