birus


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Birus
Ang virus (mula sa Latin na virus, na nangangahulugang lason) ay isang sub-mikroskopikong kagamitan na walang kakayahan mabuhay kung nasa labas ng isang selulang gumaganap na tagapagpasinaya o host. Makakaapekto ang lahat ng birus sa lahat ng buhay na selular. Ang birolohiya ang pag-aaral ng mga birus, na isang sangay ng mikrobiyolohiya. Ilang panlaban sa mga birus ang mga bakuna. Sa larangan ng panggagamot, isang tipik o molekula ang birus na na nasa pagitan o gitna ng isang organismong may buhay at isang sustansyang walang buhay. Nilulusob ng mga birus ang mga selula at nagsasanhi ng mga karamdaman. Karamihan sa mga birus ang napakaliliit para makita ng mga mata sa ilalim ng ordinaryong mikroskopyo.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.