Sa pinakamalawak na kahulugan, ang isang
bitak sa loob ng katawan na tinatawag ding
uka sa loob ng katawan,
hukay sa loob ng katawan, o
puwang sa loob ng katawan (Ingles:
body cavity) ay ang anumang espasyo o butas na mayroong lamang pluwido na nasa loob ng isang organismong multiselular (organismong mayroong maraming mga
selula). Subalit, ang kataga ay karaniwang tumutukoy sa puwang na nakalagay sa pagitan ng isang panlabas na takip (epidermis) ng isang
hayop, at sa panlabas na sapin ng puwang na pambituka (puwang na kinalalagyan ng mga
bituka), kung saan umuunlad ang mga organong panloob. Ang
butas sa loob ng katawan ng tao ay normal na tumutukoy sa bentral na puwang sa loob ng katawan, dahil sa ito ang pinakamalaki ayon sa bulto.