Ang
biyolohiya ng selula o
biyolohiyang pangselula, kilala rin bilang
biyolohiya ng sihay o
biyolohiyang pangsihay, ay ang pag-aaral ng kung paano gumagana o gumagawa ang buhay na mga
selula. Kabilang dito ang kayarian at
tungkulin ng mga organel ng selula, at mga
molekulang may batayang
karbon na produkto ng mga selula. Ang pinakamahalagang mga molekula ay ang
DNA,
RNA at mga
protina.