Ang
pagpapala ay isang gawain ng
pagbabasbas o
pagbebendisiyon na maaaring magmula sa
Diyos na napapasatao, o mula sa isang
tao na ibinibigay sa kapwa tao. Katumbas rin ng
basbasan,
pagpalain, at
bendisyunan, ang
paginghawahin (pagbibigay ng ginhawa). Sinasabing kapag nanggaling ang pagpapala mula sa Diyos, pinapainam ng Diyos ang kalagayan ng isang tao, kaya't itinuturing itong isang biyaya mula sa Diyos. Samantala, kapag nagpala naman ang isang tao, hinihiling ng taong iyon na maghatid ng kabutihan sa taong pinagpala.