Ang
mugto ng taba,
tabang namumugto, o
namumugtong taba (Ingles:
blubber), na maaari ring tawaging
taba ng balyena o
taba ng lumba-lumba (at taba ng ibang kahalintulad pang mga hayop na pandagat o pantubig), ay ang taba na nasa loob ng balat ng mga
balyena at mga
karnerong dagat. Ito ay isang makapal na tisyung adiposa na
baskularisado na natatagpuan sa ilalim ng balat ng lahat ng mga
cetaceano, mga
pinnipedo at ng mga
sireniano. Tungkulin ng mga ito na panatilihing mainit ang katawan ng mga hayop na ito. Ginagamit din ito ng mga Eskimo para sa mga lamparang sinisindihan at pinanatilihing may sindi sa pamamagitan ng taba ng balyena.