Sa
anatomiya ng mga
bertebrado, ang mga
tadyang (Ingles: mga
rib,
Latin:
costae) ay ang mahahabang nakabaluktot na mga butong bumubuo sa
kulungang tadyang. Sa karamihan ng mga bertebrado, nakapaligid ang mga tadyang sa
dibdib (Ingles:
chest,
Griyego:
θώραξ, Latin
thorax) at pumuprutekta o sumasanggalang sa mga
baga,
puso, at iba pang mga panloob na organo ng
toraks. Sa ilang mga hayop, partikular na ang mga
ahas, maaaring sumusuporta at pruteksiyon ang mga tadyang para sa buong katawan.