Ang
talasalitaan (Ingles:
vocabulary), na tinatawag ding
Vocabulary o
bukabularyo, ay ang pangkat ng mga
salita na nasa loob ng isang
wika na pamilyar sa isang tao. Ang talasalitaan ay karaniwang umuunlad na kaalinsabay ng edad, at nagsisilbing isang gamitin at pundamental na kasangkapan para sa
komunikasyon at pagkakamit ng kaalaman. Ang pagkakamit ng malaki at malawak na talasalitaan ay isa sa pinaka malaking hamon sa pagkatuto ng isang pangalawang wika. Sa pangkaraniwan, ang talasalitaan ay binibigyang kahulugan bilang ang "lahat ng mga salitang nalalaman at ginagamit ng isang partikular na tao". Sa kasawiang palad, ang kahulugang ito ay hindi sumasaklaw sa mga paksang kasangkot sa
pag-alam ng isang salita.