boltahe


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Boltahe
Ang tensyong elektrikal (o boltahe na mula sa kanyang yunit na SI, ang boltiyo) ay ang pagkakaiba ng potensyal na elektrisidad sa pagitan ng dalawang punto ng isang elektrikal o elektronikong sirkito, sinusukat sa boltiyo. Ito ang sukat ng potensyal para sa elektrikong kampo upang magdulot ng daloy ng kuryente sa isang elektrikal na konduktor. Katangian ng elektrikong kampo ang boltahe, hindi ang kanya-kanyang mga elektron. Bilang isang kahulugan, mas madaling isalarawan ang boltahe bilang ang isang kinatawan ng isang "tagapaghatid" ng mga elektron. Depende sa pagkakaiba ng elektrikal na potensyal, tinatawag ito bilang labis na mababang boltahe, mababang boltahe, mataas na boltahe o labis na mataas na boltahe. Partikular, katumbas ng boltahe ang lakas bawat karga.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.