Ang
bolyum (Ingles:
volume) ang kantidad ng isang
tatlong dimensiyonal na espasyo na sinasarhan ng isang saradong hangganan, halimbawa ang espasyo ng isang substansiya(gaya ng solido,
likido, gaas o plasma) o ang hugis na sinasakop nito o nilalaman. Ang bolyum ng isang lalagayan ay nauunawang kapasidad ng isang lalagyan o ang halaga ng pluido (gaas o likido) na nilalalaman ng lalagyang ito imbis na ng halaga ng espasyo na pinaglalagyan mismo ng lalagyan.