Sa larangan ng
kompyuting, ang mga katagang
booting o
booting up (binibigkas na /bu-ting. at /bu-ting ap/, literal na "pagpapaandar" o "pagpapasimula ng pag-andar") o
pagbu- boot ay ang unang pangkat ng mga operasyon na isinasagawa ng isang sistema ng kompyuter kapag ang binuhay ang lakas ng kuryente. Ang proseso ay nagsisimula kapag ang isang kompyuter na nakapatay ay muling nabigyan ng enerhiya, at nagwawakas kapag ang kompyuter ay handang magsagawa ng normal nitong mga operasyon. Sa modernong mga kompyuter na pampangkalahatang layunin, ang "paggising" o
booting ng kompyuter ay maaaring magtagal ng mga sampu ng mga segundo at karaniwang kinasasangkutan ng pagsasagawa ng pagsubok sa sariling pagbuhay, paghanap at pagsisimula ng mga aparatong periperal o nakapaligid, na masusundan ng paghahanda, pagkakarga at pagpapasimula ng
sistemang pang-operasyon. Maraming mga sistemang pangkompyuter ay nagpapahintulot din sa ganitong mga operasyon na mapasimulan sa pamamagitan ng isang kautusan ng isang
sopwer na walang kapangyarihan ng siklo o
cycling power, na nakikilala bilang
soft reboot (mahinang pagpapasimula ng pag-andar), bagaman ang ilan sa paunang mga operasyon ay maaaring malaktawan sa "malambot na
reboot. Ang
boot loader (bigkas: /but-low-der/), na may literal na kahulugang "tagapagsakay ng arangka" o "tagapagsimula" ay isang
programang pangkompyuter na nagkakarga ng pangunahing sistema ng operasyon (pagpapatakbo) o kapaligiran ng panahon ng pagtakbo (pag-andar) para sa kompyuter pagkaraang makumpleto ang mga pagsubok sa sarili.