Ang
burgesya (Ingles:
bourgeoisie na nagiging
bourgeois sa anyong
pang-uri, Kastila:
burguesía) ay mga taong nasa gitnang antas ng lipunan na naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa
ekonomiya. Dumami ang ganitong mga uri ng tao noong Panahon ng Panggagalugad (Panahon ng Eksplorasyon). Kasingkahulugan ang
burgesya ng pariralang
mga kapitalista (tingnan ang
kapitalismo),
mga nangangapital,
mga namumuhunan (tingnan ang
kapital o
puhunan) at
mangangalakal. Ayon sa teoriya ni
Karl Marx, ang mga
burges ang katunggali ng mga proletaryo.