Sa larangan ng
musika, ang
hilis (Ingles:
bow) ay isang uri ng
kasangkapang pangtugtog na idinidikit at pinagagalaw na pahalang sa kahabaan o ibabaw ng isang bahagi ng iba pang kasangkapang pangmusika. Nakasasanhi ang hilis ng panginginig, pagyanig, o bibrasyon kaya't nakalilikha ng
tunog o
tugtugin ang isang instrumentong pangtugtugin. Karamihan sa mga hilis ang ginagamit para sa mga
instrumentong de-kuwerdas, bagaman may ilang mga hilis na ginagamit na kasama ang lagaring pangmusika (ang
musical saw sa Ingles) at iba pang mga idioponong ginagamitan ng hilis.