Ang
karsonsilyo o
brip (
Ingles:
brief;
Kastila:
calzoncillo) ay tumutukoy sa panloob na
salawal na
panlalaki na may iba't ibang kulay, maliit at bikini ang istilo ng tabas. Nagbibigay ito ng suporta sa
bayag kumpara sa tradisyunal na
boxer shorts na tinatawag din na karsonsilyo, kaya kadalasang ito ang salawal na naaayon para sa mga pisikal na gawain gaya ng
palakasan. Suot ang karsonsilyo ng mga lalaki sa loob ng salawal upang kahit bumuka ang salawal ng lalaki ay hindi basta-basta makikita ang mga bayag nito. Mahalaga ang kalidad ng tela ng karsonsilyo para maginhawaan ang susuot nito. Binabaybay din itong
karsunsilyo,
kalsonsilyo at
kalsunsilyo.