Ang
bromo o
bromina (Ingles:
bromine, Kastila:
bromo), na may simbolong
Br, ay isang
elementong kimikal. Ang
atomikong bilang (ang bilang ng mga
proton sa loob nito) nito ay 35, at ang atoming timbang ay 80. Bahagi ito ng Pangkat 7 (mga
haloheno) sa talaang peryodiko ng mga elemento. Ito ay diatomiko, at likidong mapulang-kayumanggi, na tumutugon sa mga
metal at mga di-metal. Masimbuyo o marahas ang pagtugon ng
posporo sa bromina, gayundin ang pagtugon dito ng
aluminyo. Bihira ang elementong kimikal; tanging ang bromina lamang at ang
merkuryo ang likido sa temperatura na pangsilid.