Ang
bubuyog(Ingles:
bee) ay isang uri ng
kulisap. Ang mga bubuyog ay nabibilang sa superpamilya ng mga Apoidea at binubuo ng siyam na pamilya. Tinatayang may kumulang-kulang na dalawampung libong (20,000)
uri ang mga bubuyog sa mundo. Sila'y matatagpuan sa lahat ng
kontinente maliban sa
Antartica. Kabilang sa mga ito ang mga
pukyutan, ang mga bubuyog na lumilikha ng
pulut-pukyutan.