Ang
timba (Ingles:
bucket,
pail), na kilala rin bilang
balde,
tuong,
taong,
pimbrera,
pumbrera, o
kalalang, ay isang uri ng lalagyan na pangkaraniwang hindi tinatagusan ng tubig at kahugis ng binumbong o bariles o kaya ng
balisuso na may tinapyas o pinungos na dulo. Mayroon itong bukas na tuktok at isang patag na ilalim na pangkaraniwang nakadikit sa isang hawakan (panghawak) na hugis na
hatimbilog. Ang isang timba ay maaaring may bukas na tuktok o maaari ring may isang takip. Iba't iba ang sukat ng mga timba (katulad ng 5, 10, 15 mga litro; o kaya 5 o 10 mga galon). Puwede itong yari sa mga materyal na katulad ng
metal at polietelina. Ang hawakan ng timba ay maaaring gawa mula sa metal o
plastik. Ilan sa pangkaraniwang gamit ng timba ay ang gamitin itong panalok o pangadlo at pang-igib ng tubig.