Ang mga
bombero o
bumbero (Ingles:
firefighter, dating tinatawag na
fireman ngunit nabago dahil nagkaroon na ng mga babaeng bombero, sa halip na mga lalaki lamang) ay mga tagapagligtas o manliligtas na pangunahing malawak at masaklaw ang pagsasanay hinggil sa pagpatay ng mapanganib na mga apoy o sunog na makakasalanta ng mga populasyon sibilyan at pag-aari, pati na sa pagliligtas ng mga tao mula sa mga insidente o aksidenteng pangkotse o iba pang mga sasakyan at nasusunog na mga gusali, at iba pang mga kalagayan. Ang tumataas na kompleksidad o kasalimuotan ng makabagong buhay na industriyalisado o pang-industriya na may mataas na sukat ng mga panganib ay lumikha ng isang pagtaas sa mga kasanayang kailangan sa teknolohiya ng paglaban sa sunog at isang paglawak o paglaki ng pasahod para sa mga bomberong tagapagligtas. Paminsan-minsang silang nagbibigay ng serbisyong medikal na pang-emerhensiya, sapagkat sinanay sila na magbigay ng
pangunahing lunas at kasanayang panggagamot. Ang
tanggapan ng bombero,
palingkuran ng bombero,
serbisyo ng bombero, o
palingkuran ng bombero at pangligtas, na nakikilala rin sa ibang mga bansa bilang
brigada ng bombero,
kagawaran ng bombero, o
departamento ng bombero, ay isang uri ng mga paglilingkod na pangsakuna o pang-emerhensiya. Ang paglaban o pagtupok ng apoy at mga bombero ay naging nasa lahat ng mga pook sa buong mundo, mga pook sa kalikasan na lumalaban sa mga sunog sa kagubatan at sa mga damuhan, at nakasakay sa mga barko at iba pang mga sasakyang pandagat o pangtubig.