Ang
bungo ay isang pangkat ng mga
buto na bumubuo sa
ulo ng isang
bertebrado at nagpapanatili sa kinalalagyan ng lahat ng mga bahagi ng katawang nasa ulo. Dahil sa matitigas nitong mga buto, napapanatiling ligtas at nakasanggalang ang
utak. Nasa loob ng bungo ang mga bulsa ng hangin tinatawag na mga sinus (hiwa o uka), na naglilingkod bilang mga sapin o kutson para sa utak. Kapag mayroong pananakit o hapdi ng ulo, karaniwang napupuno ito ng pluwido dahil sa mga alerhiya. Kung minsan tumutukoy rin ang bungo sa
ulo ng kalansay. Itinuturing din ito bilang "luklukan ng talino".