Ang
balagat ay ang dalawang buto sa magkabilang gilid ng dalawang
balikat na tinatawag ding
klabikula, o
butong kulyar. Isang mahabang buto ang isang balagat na bahagi ng balikat, na dumurugtong sa braso patungo sa pangunahing bahagi ng katawan. Ito ang suporta para sa butong
iskapula o
tunay na
paypay (minsang natatawag ding "paypay" ang balagat) at tumutulong sa malayang pagbitin ng braso. Dahil dito, napapahintulutan ang brasong makagawa ng mga maraming galaw o kilos. Binubuo ang balagat ng mala-esponghang butong tinatawag na kanselus na buto, at natatakpan ng matigas na kabibe ng buto.