Ang
butong talus,
astragalo, o
astragalus (Ingles:
astragalus, Kastila:
astragalo) ay ang malaki at mahalagang buto sa
bukung-bukong ng
paa na naglilipat ng bigat o timbang ng katawan mula sa buto ng lulod patungo sa buto ng sakong. Pumapasok ito sa talatag o pagkakahili-hilera (pormasyon) ng kasukasuan ng bukung-bukong, at nakahugpong ang pangharap na kapatagan nito sa pangharap na bahagi ng paa. Hugis bilog na parang bola ang pangharap na kapatagang ito, at tinatawag na ulo ng astragalus, at ito ang nagsisilbing
kunyas ng pangharap at panlikod na balukay o arko ng paa. Madaling maalis sa kinalalagyan nito ang butong talus dahil sa paggamit ng sapatos na may matataas na takong.