Ang mga
buwitre ay mga ibong nanginginain ng bangkay o patay nang mga hayop. Natatagpuan ang mga buwitre sa bawat
kontinente maliban na lamang sa
Antartiko at
Oceania. Isang partikular na katangian ng maraming mga buwitre ang pagkakaroon ng
kalbong ulo, na walang mga
balahibo. Ipinapakita ng mga pananaliksik na maaaring may malaking pagganap ang nakalitaw o lantad na balat ng mga ibong ito sa termoregulasyon o pagtimpla ng init o temperatura ng katawan.