Ang
mabukol na pagtubo ng labis na mga himaymay,
sistikong pibrosis,
mucobisidosis,
mukobiskidosis, o
mukoboydosis (mula sa Ingles na
cystic fibrosis o CF; kilala rin bilang
mucovoidosis o
mucoviscidosis) ay isang uri na namamanang karamdamang nakaaapekto sa mga glandulang eksokrino, mga
glandulang gumagawa ng mga
uhog,
pawis, at laway. Idinudulot ang sakit na ito ng pagkakaroon ng hindi tamang pagsasagawa ng tungkulin ng maraming mga
organong kinasasangkutan ng mga
baga,
lapay, at pati na ng
atay kung minsan.