Ang
kalkulo (
Latin, , may literal na kahulugang "isang maliit na bato na ginagamit para sa pagbilang") ay isang sangay ng
matematika na pag-aaral ng mga
hangganan (
limits),
deribatibo (
derivatives),
integral(
integrals) at seryeng walang hangganan (
infinite series). Ito ay bumubuo ng isang pangunahing bahagi ng makabagong
edukasyong pampamantasan. Ang dalawang pangunahing sangay nito ang
Diperensiyal na kalkulo at
Integral na kalkulo, na may kaugnayan sa pundamental na teorama ng kalkulo. Ang kalkulo ay pag-aaral ng
pagbabago, kung paanong ang
heometriya ay pag-aaral ng mga
hugis at ang
alhebra ay pag-aaral ng
ekwasyon. Ang kalkulo ay isang daan sa iba pang mas mataas na kurso sa matematika na nakatuon sa pag-aaral ng mga punsiyon at hangganan na tinatawag na
matematikal na analisis. Malawak na nailalapat ang kalkulo sa
agham,
ekonomika at
inhenyeriya at maaaring lumutas ng mga suliranin na hindi nakakasapat ang alhebra lamang. Ang calculus sa kasaysayan ay tinatawag na "ang kalkulo ng mga inpinitesimal" o "inpinitesiamal na kalkulo". Sa mas pangkalahatan, ito ay tumutukoy sa sanumang paraan o sistema na ginagabayan ng simbolikong manipulasyon ng mga ekspresyon. Ang ilang mga halimbawa ng mga ibang mahusay na kilalang kalkulo ang kalkulong proposisyonal, kalkulong bariasyonal,
kalkulong lambda, kalkulong pi at kalkulong join.