Ang
California /ka·li·for·nya/ ay isang
estado na matatagpuan sa kanlurang pampang ng
Estados Unidos. Ito ang pinakamataong estado sa Estados Unidos, at kung magiging independeng
bansa, magiging pang-anim sa pinamalaking ekonomiya sa buong mundo, pagkatapos ng
Pransya na halos magkalapit lamang at nilagpasan ang lahat ng mga pinagsamang bansa. Marahil ang pinaka-ibang estado sa bansa sa pisikal at demograpikal na anyo, "Ang Ginuntuang Estado" o
The Golden State ang kanyang opisyal na palayaw. Kadalasang inaakalang pantukoy sa
Gold Rush (Dagsa ng Ginto) ng California noong
1849 ngunit sa katotohanan tumutukoy ito sa sa mga natural na
damo na nagiging ginto ang kulay tuwing panahon ng tag-araw.
CA ang opisyal na daglat pangkoreo ng California, at sa Associated Press,
Calif. naman ang daglat nito.