Ang
Canidae (bigkas: /ka-ni-dey/) ay isang pamilya ng mga karniboro at omniborong mga mamalyang kinabibilangan ng mga
lobo, mga
soro, mga
tsakal, mga
koyote, at ng domestikadong mga
aso; tinatawag na
kanido ang kasapi sa pamilyang ito. Nahahati ang pamilyang Canidae sa mga hayop na "
wangis-lobo" at mga "
wangis-aso" ng tribong Canini at ng mga "soro" ng tribong Vulpini. Mas sinauna ang dalawang uri ng basal o pambaseng Caninae kaya't hindi ugma sa anumang mga tribo.