Ang
Capparis spinosa (Ingles:
caper,
caper bush,
Flinders rose; Espanyol: ) ay isang santaunan o perenyal na halamang nalalagasan ng dahon tuwing taglamig na nagkakaroon ng mga dahong malaman at mabilog at namumulaklak ng malalaking puti hanggang marosas na puting mga bulaklak. Kilala ang halaman para sa mga nakakain na mga usbong ng mga bulaklak na tinatawag na mga
caper, na kadalasang ginagamit bilang panimpla, at ang bungang
caper berry, na kapwa kinukunsumo bilang
inatsara o binuro. Ang ibang mga espesye ng
Capparis ay binuburo ring katulad ng
C. spinosa dahil sa kanilang mga usbong at mga bunga. Ang ibang mga bahagi ng mga halamang
Capparis ay ginagamit sa pagmamanupaktura ng mga gamot at mga kosmetiko.