capillary


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kapilaryo
Ang mga kapilaryo o mga maliliit na ugat (Ingles: capillary) ay ang pinaka maliliit na mga lalagyan o  sisidlan ng dugo ng isang katawan at mga kabahagi ng mikrosirkulasyon. Ang mga hanay o aporong endotelyal ng mga ito ay mayroong kapal na isang sapin ng selula lamang. Ang mga mikrobesel (maliliit na mga lalagyan) na ito, na mayroong sukat na 5-10 µm ang diyametro, ang nagkukunekta ng mga arteryol at ng mga benyul, at nakapagpapasagawa ng pagpapalitan ng tubigoksihenodioksidong karbon, at maraming iba pang mga nutriyente at sustansiyang kimikal na dumi sa pagitan ng dugo at nakapaligid na mga tisyu. Sa panahon na nagaganap ang pag-unlad ng embriyo, ang bagong mga kapilaryo ay nabubuo sa pamamagitan ng baskulohenesis, na proseso ng pagbubuo ng lalagyan ng dugo na nagaganap sa pamamagitan ng produksiyong ng mga selulang endotelyal at ng kanilang pagkakabuo upang maging mga tubong baskular. Ang katagang anhiyohenesis ay nagpapahiwatig ng pormasyon ng bagong mga kapilaryo magmula sa dati nang umiiral na mga sisidlan ng dugo.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.