capybara


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kapibara
Ang kapibara (Ingles: capybara) o Hydrochoerus hydrochaeris ay isang uri ng hayop na may katawang kamukha ng sa baboy at ngusong kahawig naman ng daga. Natatagpuan sila Timog Amerika. Kilala rin sila bilang capibara, chigüire sa Beneswela, chigüiro, at carpincho sa Kastila, at capivara sa Portuges, ay ang pinakamalaking daga sa mundo. Kamag-anak ito ng agouti, chinchilla, nutria o coyphilla, at dagang puti (kilala rin bilang dagang kuneho, dagang kosta o guinea pig). Hinango ang karaniwang pangalan nito mula sa kapiÿva ng wikang Guarani, na may ibig sabihing "panginoon ng mga damuhan" habang mula naman sa Griyegong hydrochaeris ang pangalan nito sa agham o siyentipikong pangalan, na nangangahulugang "tubig-baboy".

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.