Ang
carbohydrate ay isang organikong compound na may empirikal na pormulang (kung saan ang
m ay maaaring iba mula sa
n). Ito ay nangangahulugang ito ay binubuo ng
carbon,
hydrogen at
oxygen na may hydrogen:oxygen
atomong rasyo na 2:1 gaya ng sa
tubig. Gayunpaman, may mga ilang eksepsiyon dito. Ang isang karaniwang halimbawa ay deoxyribose na isang sangkap ng
DNA na may empirikal na pormulang C
5H
10O
4. Ang mga carbohydrate ay maaaring makita bilang mga hydrate ng carbon kaya ito ang pangalan nito. Gayunpaman, sa istraktura nito, mas wastong makita ang mga ito bilang mga polyhydroxy aldehyde at ketone.