cardiology


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kardiolohiya
Ang kardiolohiya (Ingles: cardiology (mula sa Griyegong , kardiā, "puso"; at , -logia) ay ang pag-aaral at panggagamot ng mga sakit na nauukol sa puso. Ito ang sangay ng panggagamot na panloob o medisinang internal na hinggil sa mga karamdamang pangpuso at mga daluyan ng dugo. Karaniwang nahahati ang larangan sa mga sangay ng depektong konhenital ng puso, koronaryong sakit ng pusokabiguang panggawain ng puso, at elektropisyolohiya. Kardiyologo o kardiyolohista ang tawag sa mga manggagamot na nagpapakadalubhasa sa larangang ito. Hindi dapat ikalito ang mga kardiyologo mula sa mga maninistis ng puso o siruhanong kardiyako na mga siruhikong duktor na nagsasagawa ng siruhiyang pangpuso o mga gawain at hakbang sa pag-oopera ng puso at mga malalaking ugat na daluyan ng dugo. Hinango ang salitang kardiolohiya sa Griyegong καρδιά (transliterasyon ng kardia at nangangahulugang puso o panloob na sarili).

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.