Ang
casette (tinatawag din sa Ingles na
audio cassette,
cassette tape,
Compact Cassette, o
tape) ay isang uri o format ng
magnetic tape na para sa pagrerekord ng tunog. Una itong idinisenyo para sa mga makinang pangdikta
(dictation), subalit ang mga pagpapainam fidelity o "katumpakan" ay humantong na mahalinhan ng audio casette ang cartridge o "bala" na Stereo 8-track (may walong bakas na pang-estereo) at ang pangrekord na tape na reel-to-reel (mula sa ikiran ng tape papunta sa isa pang ikiran ng tape) para sa mga paggamit na hindi pampropesyunal. Ang paggamit nito ay sumasaklaw magmula sa portable audio o portatil (nadadala kahit saan) magpahanggang sa pagrerekord sa tahanan at hanggang sa pag-iimbak ng dato para sa maaagang uri ng microcomputer. Sa pagitan ng kaagahan ng dekada ng 1970 at sa kahulihan ng dekada ng 1990, ang casette ay isa sa dalawang mga pinakakaraniwang uri ng mga musikang may paunang pagrerekord, na ang una ay ang pagiging kasabayan ng record na LP (rekord na long playing o matagalan ang pag-andar) at sa lumaon ay ang
compact disc o CD.