Ang
paghahati ng selula ay isang proseso na kung saan nahahati ang
selula, tinatawag na magulang na selula, sa dalawa o higit pa na mga selua, tinatawag na
mga anak na selula. Kadalasang maliit na bahagi ng isang
siklo ng selula ang paghahati ng selula. Tinatawag na mitosis ang ganitong uri ng paghahati ng sihay sa mga
eukaryote, at nag-iiwan ng isang anak na sihay na may kakayahang maghati muli. Tinatawag na dalawahang paghiwalay (
binary fission) ang katumbas na uri ng paghahati ng selula sa mga
prokaryote. Sa isa pang uri ng paghahati ng selula na mayroon lamang sa mga
eukaryote, tinatawag na meiosis, permanenteng nabago ang sihay sa isang
punla (
gamete) at hindi na maaaring hatiin muli hanggang
pagpupunlay (
fertilization).