Ang
teleponong selular (
Kastila:
teléfono celular;
Inggles:
cellular phone o
mobile phone),
selpon (mula sa Ingles na
cellphone) o
selepono ay isang uri ng
teleponong walang kawad na gumagamit ng mga sityong selular (Ingles:
cell site) para sa pakikipagtalastasan. Maaaring gamitin ang teleponong selular sa isang malawak na kalawakan, hindi katulad ng mga tradisyonal na teleponong walang kawad, na mas limitado ang sakop ng senyales nito.