Ang isang
bangko sentral ay isang pampublikong institusyon na namamahala sa
salapi ng isang bansa, ang suplay nito, at ang mga
antas ng patubo. Karaniwa'y may
monopolyo ito sa pagtaas ng baseng pampananalapi ng isang bansa, at nangangasiwa rin ito sa
sistemang pampananalapi nito, kasama ang regulasyon ng mga ordinaryong
bangko. May kapangyarihan ding regulahin ang
salaping umiiral (
legal tender) para sa bansang iyon dahil sa kapangyarihan nitong magpalimbag ng pananalapi ng bansa. Halimbawa, sa
Pilipinas, ang bangko sentral ay ang
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).