Si
Cephalus (,
Kephalos) ay isang pangalang ginagamit kapwa para sa pigura ng isang bayani sa
mitolohiyang Griyego at binubuhat bilang isang pangalang teoporiko ng mga taong pangkasaysayan. Ang salitang
kephalos ay ang salitang Griyego para sa "ulo", na marahil ay ginagamit dito dahil sa si Cephalus ay ang naging "ulo" na tagapagtatag ng isang dakilang mag-anak na kinabibilangan ni Odysseus. Maaaring ang Cephalus ay mayroong kahulugan na ulo ng araw na pumatay (nagpasingaw) kay Procris (hamog) sa pamamagitan ng kaniyang hindi nagkakamaling sinag o "sihang" (
javelin). Si Cephalus ay ang isa sa mga mangingibig ng diyosa ng bukang-liwayway na si Eos.