cetacea


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Cetacea
Ang orden na Cetacea ay kinabibilangan ng mga mammal na pandagat na mga balyena, mga dolphin at mga porpoise. Ang cetus ay salitang Latin at nangangahulugang "balyena". Ang orihinal na kahuluga nnito ay "malaking hayop ng dagat". Ito ay mula sa salitang Sinaunang Griyego na () na may kahulugang "balyena" o "anumang dambuhalang isda o halimaw ng karagatan). Sa mitolohiyang Griyego, ang halimbawa na tinalo ni Perseus ay si Ceto. Ang cetolohiya ang sangay ng agham pang tubig na nag-aaral ng mga cetacean. Ang ebidensiyang fossil ay nagmumungkahing ang mga cetacean ay nagsasalo ng isang karaniwang ninuno sa mga mammal na nakatira sa lupain na nagsimulang tumira sa mga karagatan noong mga 50 milyong taong nakakaraan. Sa ngayon, ang mga cetacean ang mga mammal na pinakamahusay na umangkop sa buhay pangdagat. Ang katawan ng isang cetacean ay fusiform (hugis spindle). Ang mga harapang hita ay binago tungo sa mga flipper. Ang mga munting mga likurang hita nito ay bestihiyal. Ito ay hindi nakakabit sa likurangbuto at nakatago sa loob ng kanilang katawan. Ang kanilang buntot ay may horisontal na mga fluke. Sila ay halos walang balahibo at insulado mula sa mas malamig na mga katubigang kanilang tinitirhan sa pamamagitan ng isang patong ng blubber. Ang ilang species nito ay kilala para sa kanilang mataas na katalinuhan. Sa isang pagpupulong noong 2012 sa VancouverCanada, ang pinakamalaking pagpupulong sa agham na American Association for the Advancement of Science ay nagulit ng kanilang suporta para sa mga karapatan ng mga cetacean na nagtatala sa kanila bilang "mga personang hindi tao".

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.