chemical bond


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kawing na kimikal
Ang kawing kimikal (chemical bond) ay balaghang pagkakabit-kabit ng mga atomo upang makabuo ng isang maayos at mataas na sangkap gaya ng molekula o istrukturang kristal. Ang lahat ng kawing kimikal ay nangyari dahil sa pagniniig ng mga elektron ng mga atomong bumubuo rito. Karaniwan, ang mga elektrong ito ay bahagi ng inugang atomiko (IA) (atomic orbital) ng isang atomo; ngunit sa kawing ng dalawang atomo, bumubuo ito sa inugang molekular (IM) (molecular orbital). Ang pagniniig na ito ng elektron at nukleyo (pula ng atomo) ay pwersang pundamental ng elektromagnetismo. Ang mga atomo ay bumubuo ng isang kawing kung ang kanilang ikiran o inugan ay mas mababa sa enerhiya kapag sila ay nagniniig sa isa’t isa.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.