Ang
kromyo o
kromyum (Ingles:
chromium) ay isang
elementong kimikal. Mayroon itong simbolong
Cr sa
talaang peryodiko. Ang
atomikong bilang nito ay 24, na nagsasabi kung saan nakalagay ang kromyum sa loob ng talaang peryodiko. Ang
bilang ng masa (bilang ng mga
proton at mga
neutron) nito ay tinatayang nasa 54. Palagi itong mayroong 24 na mga proton. Sa karamihan ng mga pagkakataon ay mayroon itong 28 mga neutron, subalit kung minsan ang iba't ibang mga
isotopo ay mayroong mas marami o mas kakaunting mga neutron. Bilang isang
metal, ang kromyum ay mayroong 24 na mga
elektron. Ang mga
iono nito ay mayroong mas kakaunting mga elektron.