Ang
klampa,
mordansa, o
kasingay (Ingles:
clamp,
cramp) ay isang uri ng
gato o kasangkapang
pang-ipit na ginagamit panghawak ng mahigpit sa mga bagay upang mapigilan ang paggalaw o paghihiwalay kapag pinatungan ng paloob na presyon o lakas. Sa
Nagkakaisang Kaharian at
Australya, mas ginagamit ang salitang
cramp kaysa
clamp, partikular na kung pansamantala lang ang pagpoposisyon o pagpupuwesto habang nagbubuo o gumagawa. Maraming mga uri ng mga klampang makukuha para sa iba't ibang layuning panggawain. May ilang panandalian lamang, katulad ng sa pagkukumpuni, at mayroon namang pampalagian o permanenteng pagdirikit.