Ang
damit,
pananamit,
gayak,
panggayak, na kilala rin bilang
kasuutan (
kasuotan),
mga bihisan o
mga pambihis (
Ingles:
clothing;
Kastila:
indumentaria) , ay mga
bagay na pantakip sa
katawan ng tao. May mga pananamit na nauukol para sa tiyak na bahagi ng katawan ng tao. Ang
punungkatawan ay matatakpan ng isang kamiseta, ang mga
bisig ng manggas, ang mga
binti ng mga pantalon, maong, o
palda, ang mga
kamay ng mga guwantes, ang mga
paa ng mga medyas at ng mga
sapatos, mga sandalyas, mga bota, at ang
ulo ng mga sumbrero. Yari ang mga kasuotan sa maraming mga materyal, katulad ng mga
telang gawa sa
bulak,
lana,
polyester, at
katad. Sa mga pook na malalamig ang
klima, nagsusuot ang mga tao ng mabibigat at makakapal na mga pangginaw.